Pag-uwi sa Pilipinas ni ex-Rep. Arnie Teves naantala lang – DOJ
METRO MANILA, Philippines — Maantala ang pag-uwi ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ayon sa pahayag nitong Martes ng Department of Justice (DOJ).
Sa pahayag ng kagawaran, ang hindi pa pagpapauwi ng gobyerno ng Timor-Leste sa dating mambabatas ay dahil sa pagkuwestiyon nito sa naging desisyon ng korte na pauwiin na siya ng Pilipinas.
Ayon sa DOJ, ginawa ng kampo ni Teves ang hakbang matapos hindi mapaboran ang kanilang kahilingan ng political asylum.
Si Teves ay nakasuhan ng murder ukol sa pagpapatay ng kanyang political na si Negros Oriental Gov. Noel Degamo noon ika-4 ng Marso 2023.
BASAHIN: Ex-Rep. Teves susunduin ng PAF plane sa Timor Leste
Kumpiyansa din ang DOJ na hindi magbabago ang unang desisyon ng korte dahil malinaw naman ang mga merito ng mga kasong kinahaharap ni Teves sa Pilipinas.
Una nang inanunsiyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bago matapos ang Setyembre ay maibabalik na ng Pilipinas si Teves at siya ay susunduin ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.