Epekto ng Habagat, mararanasan pa rin sa iba’t ibang panig ng bansa

By Isa Avendaño-Umali July 10, 2016 - 08:34 AM

PAGASAMakakaapekto pa rin ang hanging Habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw ng Linggo.

Batay sa 24-hour public weather forecast ng PAGASA, dahil sa Habagat ay patuloy na makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon, partikular na sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan at Occidental Mindoro.

May pag-ulan din sa Metro Manila, Ilocos Region, Marinduque, Oriental Mindoro, at Western Visayas.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

Habang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat sa iba pang parte ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.