METRO MANILA, Philippines — May pag-uusap na para magamit ang isang eroplano ng Philippine Air Force para maibalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na nakasuhan ukol sa pagpatay ng kanyang political rival a kanyang probinsya na si Gov. Noel Degamo.
Ito ang pahayag nitong Lunes ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ayon kay Remulla, inaasahang sunduin si Teves sa Dili, Timor Leste, at makabalik sa Pilipinas bago matapos itong Setyembre.
BASAHIN: Timor-Leste payag sa hilíng ng Pilipinas na pauwiín si Teves
Nahaharap sa mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder si Teves dahil sa pagkakapatay kay Degamo sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso ng 2024.
Nagtago sa Timor Leste si Teves at humingi ng political asylum doon, ngunit tinanggihan siya sa kanyang kahilingan.
Naaresto siya ng Interpol noong Marso habang naglalaro ng golf, at noong Hunyo, inaprubahan ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang hiling ng Pilipinas na maiuwi ang dating mambabatas.