Immigration chief Tansingco sibak dahil sa pagtakas ni Alice Guo

PHOTO: Norman Tansingco STORY: Immigration chief sibak dahil sa pagtakas ni Alice Guo
Immigration chief Norman Tansingco —File photo kuha ni Arnel Tacson | INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon na tanggalin sa posisyon si Immigration Commissioner Norman Tansingco dahil sa pagkakatakas ni dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Ang rekomendasyon ay mula kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Ang Bureau of Immigration ay nasa ilalim ng Department of Justice.

Sinabi ni Remulla na nawala na ang kanyang tiwala at kumpiyansa kay Tansingco dahil sa mga iregularidad sa kawanihan kasama na ang pagkakatakas ni Guo ng Pilipinas noong Hulyo.

BASAHIN: Marcos alam na sino ang sisipain dahil sa pagtakas ni Alice Guo

Ayon pa sa kalihim hindi kumilos si Tansingco nang ipaalam niya ang mga alegasyon sa pagbibigay ng working visas sa mga pekeng korporasyon para maipasok sa Pilipinas ang mga banyaga na magta-trabaho sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Si Tansingco ay kabilang sa naimbitahang resource person sa pagdinig sa Senado nitong Lunes.

Tinanong siya ni Senate Majority Leader Francis Tolentino kung alam na niya ang pagsibak sa kanya sa puwesto at aniya nalaman niya ito sa pamamagitan ng media.

Aniya, wala pa siyang natatanggap na opisyal na relief order.

Read more...