Walang ‘prisoner swap‘ kay Alice Guo sa Indonesia – Marcos

By Jan Escosio September 06, 2024 - 04:15 PM

PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr. STORY: Walang ‘prisoner swap‘ kay Alice Guo sa Indonesia – Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes na walang ipinalit na detenido ang Pilipinas sa Indonesia para maibalik sa bansa si dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Unang napaulat sa Indonesia na may hiling ang kanilang mga awtoridad na ipalit si Guo sa Australian drug-suspect na si Gregor Haas, na itinuturing na pugante sa naturang bansa.

Sinabi ni Marcos na ang magandang relasyon ng Pilipinas at Indonesia ang susi sa mabilis na pagpapabalik sa bansa ni Guo.

BASAHIN: Alice Guo inaresto na ng mga awtoridad sa Indonesia

πKaya’t kahit na hindi ganoon ka-simple ang pag-transfer, ating napakiusapan naman ang ating mga kaibigan sa Indonesia na pabayaan na ang Pilipinas, kunin na siya [Guo] at ibalik dito sa Pilipinas,” sabi pa ni Marcos.

Dagdag pa niya na hindi opisyal ang mga naglabasang ulat sa Indonesia ukol sa “prisoners’ swap” nina Guo at Haas.

Naibalik sa Pilipinas ang dating alkalde ng Bamban, Tarlac, halos 24 oras matapos siyang maaresto ng mga awtoridad sa Jakarta.

Nagpahayag din ng interes si Marcos  na isiwalat ni Guo kung paano lumago ang operasyon ng POGO hubs na iniuugnay sa kanya, kung paano lumago ang kanyang kayamanan, at bakit siya nagka-interes na tumakbo sa lokal na eleksiyon sa Bamban noong 2022.

TAGS: Alice Guo, Ferdinand Marcos Jr., Illegal POGO hubs, Alice Guo, Ferdinand Marcos Jr., Illegal POGO hubs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.