METRO MANILA, Philippines – Ang mga banta sa buhay ni dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlace diumano ay mula sa Chinese mafia, sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), Chinese spy, at maging mga police scalawags.
Ito ang ibinahagi ni Stephen Guo, ang abogado ni Guo o Guo Hua Ping, isang panayam nitong Huwebes.
Sabi pa ni David, sa kanyang palaga, ay mas gusto ni Guo na malagay sa kustodiya ng Senado para makasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si Shiela Guo.
BASAHIN: Walang VIP treatment kay Alice Guo – PNP
Ngunit aniya, wala naman silang magagawa dahil korte ang nagpapasya kung saan maarin makulong ang isang indibiduwal.
Inamin na lamang din niya na sadya silang hindi nagpiyansa sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na kinahaharap ni Guo upang magkaroon sila ng ilang araw na mapag-isipan ang kanilang mga gagawing hakbang.
Kumpiyansa din naman si David na ligtas si Guo sa Camp Crame dahil nakakulong din sa PNP Custodial Center ang ilang high-value individuals.
Natanong din ang abogado sa pagiging masayahin ni Guo nang iharap ito sa mga mamamahayag ni Interior Secretary Benhur Abalos.
Ayon kay David masaya lamang ang kanyang kliyente dahil alam niya na ligtas na ito mula sa mga pagbabanta sa kanyang buhay.