ERC chief suspendido dahil sa hakbang na pabor sa Meralco
METRO MANILA, Philippines — Pinatawan ng preventive suspension na anim na buwan ng Office of the Ombudsman si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta.
Sa kautusan ni Ombudsman Samuel Martires, na may petsang ika-29 ng Agosto, binanggit na matibay ang ebidensiya laban kay Dimalanta sa mga reklamo sa kanya na grave misconduct, grave abuse of authority, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ang mga reklamo kay Dimalanta ay inihain ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (Nasecore).
BASAHIN: Meralco tataas singil sa kuryente ngayon buwan ng Mayo
Ayon sa Nasecore, pinayagan ni Dimalanta ang Manila Electric Co. (Meralco) na bumili ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at ipasa sa mga konsyumer ang gastusin, na paglabag sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law.
Sinabi pa ni Martires na maaring matanggal si Dimalanta sa puwesto dahil sa mga reklamo sa kanya.
Ipinaliwanag ni Martires na maaring maapektuhan ang pagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon kung mananatili sa puwesto si Dimalanta kayat dapat itong suspindihin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.