Private plane gamit sa pagbalik sa Pilipinas ni Alice Guo
METRO MANILA, Philippines — Inaasahan na mamayang pasado 6 p.m. ay nakalapag na sa Villamor Air Base ang private plane na sinakyan ni Guo Hua Ping alias Alice Guo.
Sinabi ni Sen. Raffy Tulfo, kasama ni Guo sa chartered flight RP – C6188 sina Interior Secretary Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Marbil at lalapag sila 6:18 p.m.
Bitbit nina Abalos at Marbil ang kopya ng arrest order na inisyu ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
BASAHIN: Alice Guo inaresto na ng mga awtoridad sa Indonesia
Dagdag pa ng senador, makalipas dumaan sa mga proseso ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI), inaasahan na ililipat sa kustodiya ng Senado si Guo.
Makakasama niya sa detention room sa Senate compound ang kinikilala niyang nakakatandang kapatid na si Shiela Guo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.