Jomalig, Quezon walong beses niyanig ng lindol

By Jan Escosio September 04, 2024 - 09:25 AM

YPHOTO: Quezon quake map from Phivolcs STORY: Jomalig, Quezon walong beses niyanig ng lindol
Malapit sa Jomalig, Quezon ang mga lindol. —Mapa mula sa Phivolcs

METRO MANILA, Philippines—Sa loob ng mahigit isang oras, walong ulit na niyanig ng lindol ang Jomalig, Quezon ngayon umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang pinakamalakas – magnitude 5.3 — ay naitala nang 7:16 a.m. sa distansiyang 43 km sa hilaga ng isla. Ang susunod na pinakamalakas — magnitude 4.9 — ay natiala nang 7:55 a.m. Ang pinakamahina — magnitude 3.8 — ay naitala nang 8:04 a.m.

Naramdaman ang magnitude 5. 3 earthquake ng ng Intensity 3 sa Quezon City.

Base sa instrumental intensities naramdaman ang lindol sa mga sumusunod ng lugar:

  • Intensity IV: Jose Panganiban sa Camarines Norte
  • Intensity III: Mauban, Guinayangan, Alabat, at General Nakar sa Quezon
  • Intensity II: Dingalan, Aurora;  Gumaca, Lopez, Mulanay, at Calauag sa Quezon; Sagnay, Pasacao, at Ragay sa Camarines Sur; Los Baños sa Laguna; Marikina sa Metro Manila; Tagaytay City sa Cavite
  • Intensity I sa Dolores at Lucban sa Quezon; Calamba City sa Laguna; Boac sa Marinduque; Iriga sa Camarines Sur; Antipolo City at Tanay sa Rizal; San Rafael at Marilao sa Bulacan; Tabaco City sa Albay, Pasig City at Caloocan City sa Metro Manila
Pitong beses pang nagkaroon ng lindol sa lugar at ang sumunod na pinakalamakas ay magnitude 4.9 na naitala ng alas-7:55 at magnitude 3.8 na nangyari alas-8:04.

 

TAGS: Phivolcs, Quezon earthquake, Phivolcs, Quezon earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.