U.S pumalag sa panibagong missile test ng North Korea

By Den Macaranas July 09, 2016 - 03:43 PM

Nokor
AP

Mariing binatikos ng U.S State Department ang isa na namang missile test na ginawa ng North Korea sa Korean Peninsula kaninang umaga.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng U.S na ito’y tahasang paglabag sa resolusyon ng United Nations Security Council na nauna nang nag-utos sa North Korea na panatilihin ang katahimikan sa rehiyon.

Kamakailan lang ay isang kahalintulad na live fire test ng kanilang missile ang ginawa ng North Korea sa nasabing lugar.

Kaugnay nito ay kaagad na inihanda ng Seoul ang kanilang Missile Defense System makaraan ang nasabing missile test ng NoKor.

Noong isang linggo ay ipinag-utos ng U.S ang sanction laban kay North Korean leader Kim Jong-Un kung saan ay sinabi ng Pyongyang na ito’y isang uri ng “open declaration of war”.

Sa pagmomonitor ng Pentagon, kanilang sinabi na ang naganap kanina ay isang uri ng SLBM (submarine-launched ballistic missile) test.

TAGS: korean peninsula, missile, north korea, U.S, korean peninsula, missile, north korea, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.