ISIS sa Basilan hindi totoo ayon sa AFP

By Den Macaranas July 09, 2016 - 02:45 PM

ricardo_visaya-620x486
Inquirer file photo

Dumating kaninang umaga sa Headquaters ng Western Mindanao Command (Wesmincom) si Armed Forces Chief-of-Staff Gen. Ricardo Visaya.

Si Visaya ay kaagad na nakipagpulong kay Wesmincom commander Lt. Gen. Mayoralgo Dela Cruz makaraan niyang umikot sa ilang military installations sa Zamboanga City.

Sa panayam, sinabi ni Visaya na negatibo ang naging ulat ni Tipo-Tipo Basilan Mayor Joel Maturan na may ISIS camp na sa kanyang nasasakupan.

Sinabi ng opisyal na patuloy na nakatutok ang pwersa ng military sa mga lugar na posibleng pagkutaan ng ISIS na nauna nang sinabing kaalyado na ng Abu Sayyaf Group.

Muli ring inulit ng opisyal na naglungsad sila ng dagdag pang mga opensiba kontra sa bandidong grupo hangga’t may mga natitirang bihag ang mga ito.

Ipinaliwanag rin ng pinuno ng AFP na tututok sa kampanya kontra sa Abu Sayyaf ang mga unang buwan ng kanyang panunungkulan tulad ng naging pangako niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Basilan, gen. visaya, ISIS, wesmincom, Abu Sayyaf, AFP, Basilan, gen. visaya, ISIS, wesmincom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.