Repair ng Guadalupe Bridge sa Makati inaprubahan ni Marcos
METRO MANILA, Philippines —Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kagabi ng Miyerkules ang pagsasa-ayos ng Guadalupe Bridge sa Makati na masisimula sa Oktubre.
Inanunsiyo ni Marcos ang kanyang desisyon kasabay ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board meeting sa Malacañang.
Layunin ng pagsasaayos ng tulay na kayanin nito ang hanggang magnitude 8 na earthquake.
BASAHIN: Kamuning flyover bukas na ulit, handa na sa ‘Big One’
Bahagi ito ng Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project, na ang layunin ay mapagtibay ang mga tulay sa Metro Manila, partikular na ang Guadalupe at Lambingan.
Nabanggit din ng pangulo na magkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga eksperto para sa traffic management plan bago pa simulan na ang paggawa sa tulay, na dinadaanan ng 365,000 motorista kada araw.
Ang pagsasaayos ng mga tulay sa Metro Manila ay pinopondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.