VP Robredo: Housing loan program gagawing madali at mabilis

By Den Macaranas July 09, 2016 - 11:31 AM

Leni Robredo1
Inquirer file photo

Target ni Vice President Leni Robredo na gawing madali ang housing loan sa bansa sa ilalim ng kanyang termino bilang pinuno ng Housing and Urban Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Sinabi ni Robredo na kailangan rin ng kanyang tanggapan na maitayo ang halos ay 1.4 Million backlog housing units para sa mga naging biktima ng kalamidad at pabahay para sa urban poor.

Sa panayam, sinabi ni Robredo na masyadong marami ang mga paper requirements para sa mga gustong mag-apply ng housing program sa ating pamahalaan.

Base sa kanyang pag-aaral, pwede naman umanong gawing simple na lamang ang mga requirements mula sa Pag-ibig fund, Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Base sa Ambisyon Natin 2040 survey ng National Economic Development Authority (NEDA), ang pagkakaroon ng isang simpleng bahay ang pangarap ng mas nakararaming mga Pinoy.

Si Robredo ang ikatlong sa mga naging pangalawang pangulo ng bansa na naitalaga bilang housing czar na kinabibilangan nina dating Vice President Noli De Castro at Jejomar Binay.

TAGS: GSIS, hudcc, Robredo, sss, GSIS, hudcc, Robredo, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.