Marcos alam na sino ang sisipain dahil sa pagtakas ni Alice Guo

PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr. STORY: Marcos alam na sino ang sisipain dahil sa pagtakas ni Alice Guo
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — May ideya na si Pangulong Ferdinand “Bongbong”” Marcos Jr. kung sino ang mga sisibakin sa puwesto kaugnay sa pagkakatakas ni dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Ayon kay Marcos, hinihintay na lamang niya na matapos ang pag-iimbestiga ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa insidente.

Aniya, sa pag-iimbestiga ay matutukoy kung sino ang maaring papanagutin sa pagkakatakas ni Guo.

BASAHIN: Alice Guo nakatakas na ng Pilipinas – Hontiveros

Inamin ng pangulo na hindi ipinaalam sa kanya ang pangyayari kayat nang malaman niya ito ay sinabi niya na “heads will roll.”

Nagpahiwatig siya na ang maaring maapektuhan ay mga taga-Bureau of Immigration (BI) at iniimbestigahan din ang lawak ng modus ng mga ito.

Read more...