PAOCC naniniwalang nasa Indonesia pa si Alice Guo

PHOTO: Alice Guo STORY: PAOCC naniniwalang nasa Indonesia pa si Alice Guo
Bamban Mayor Alice Guo (Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Risa Hontiveros)

METRO MANILA, Philippines — Nasa Batam Island, Indonesia pa si dismissed Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Ito ang inanunsiyo nitong Biyernes ni Dr. Winston Casio, ang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Base aniya ito sa mga ibinigay sa kanilang impormasyon ng gobyerno ng Indonesia.

Ibinahagi din ni Casio na hihiilingin nila sa International Criminal Police Organization o Interpol na magpalabas ng blue notice laban kay Guo.

BASAHIN: Alice Guo nakatakas na ng Pilipinas – Hontiveros

Ipinaliwanag niya sa pamamagitan ng blue notice ay makakakuha sila ng mga karagdagang impormasyon sa kinaroroonan ni Guo.

Hinala din ng PAOCC naghiwalay na sina Guo at ang kanyang kapatid na si Wesley matapos maaresto ang kanilang kapatid na si Shiela Guo at si Cassandra Ong sa Indonesia kamakailan.

Read more...