Jinggoy Estrada nagpaliwanag ukol viral na TikTok video
METRO MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang sarili sa kuimalat na TikTok video na pinapakitang ang komprontasyon nila ng isang babae.
Sa inilabas na pahayag ng opisina ni Estrada nitong Biyernes, nabatid ng Radyo Inquirer na nagyari ang insidente noon nakaraang iika-18 ng Abril sa Barangay Batis sa San Juan City.
Ayon kay Estrada, nagpadala siya ng tulong para sa mga biktima ng sunog sa lugar, ngunit ayaw payagan ang kanyang mga tauhan na ipamahagi ang kanilang tulong pinansiyal sa kabila ng kanilang mga pakiusap at paliwanag.
BASAHIN: Bribery conviction ni Jinggoy Estrada binaligtad ng korte
Sabi pa ni Estrada na minabuti na niyang personal na pumunta sa lugar at nakaharap niya ang babae na nasa video na narinig na nagsabing “porke senador kayo.”
“Opo, ako po ay senador, at ginagamit ko ang posisyong ito para makatulong lalong lalo na sa mga taga-San Juan. Hindi ko hahayaan na mapigilan ako na makiramay sa mga nangangailangan sa panahong kailangang-kailangan nila ng tulong,” aniya.
Nagawa lamang ni Estrada ang kanilang pakay nang payagan sila ng mga pulis.
Idiniin ng senador na may bahid pulitika ang pagpapakalat ng video dahil na-upload ito at ipinakalat ilang oras matapos na ipawalang-sala siya ng Sandiganbayan sa mga kasong direct at indirect bribery kaugnay sa pork barrel scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.