Foreign investors dapat maakit sa bagong diskarte – Zubiri

PHOTO: Juan Miguel Zubiri STORY: Foreign investors dapat maakit ng bagong diskarte – Zubiri
Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri (File photo from the Senate Public Relation and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Hinimok ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang gobyerno nitong Huwebes na bumuo ng mga bagong istratehiya sa ginagawang panghikayat sa mga banyagang mamumuhunan sa bansa.

Kailangan aniya ito dahil kakumpetensiya ng Pilipinas ang siyam pang bansa na miyembro din ng Association of Southeast Nations (ASEAN).

Ayon sa pahayag ni Zubiri, sinabi ito sa pagtalakay ng Senate Special Oversight Committee, na pinamumunuan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, sa Regional Comprehensive Economic Agreement (RCEP).

BASAHIN: Pangulong Marcos Jr., inilako sa German investors ang Pilipinas

“Ngayon bahagi na tayo ng RCEP, may kinahaharap tayong mga hamon. May mga bansa tulad ng Indonesia at Vietnam na kakumpetensiya natin sa mga investor mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo,” sabi ni Zubiri, ng namumumo sa committee on economic affairs.

Minungkahi ni Zubiri na maaaring ituon ng gobyerno ang atensyon sa defense manufacturers dahil lumusot na sa Senado ang panukalang Self-Reliant Defense Posture Act at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa niya, kung magiging ganap na batas ito at maipasa din ang panukalang Special Defense Economic Zone Act, posible na maging major player ang Pilipinas sa produksyon ng mga gamit pandigma at pang-seguridad.

Ayon kay Zubiri, interesado ang defense manufacturers na magtayo ng negosyo sa bansa hindi lamang para bentahan ng mga gamit ang Pilipinas kundi para na rin mag-export sa iba pang bansa na miyembro ng RCEP tulad ng Korea, Japan, Australia, New Zealand at iba pa.

Read more...