Agusan del Sur nilindol

Philvocs
Philvocs

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang malaking bahagi ng Agusan del Sur ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs).

Ibinabala rin ng Philvocs ang pagkakaroon ng mga aftershocks makaraan ang lindol na naranasan 7:16am kanina.

Naramdaman din ang pagyanig sa Cagayan de Oro City, Kidanapwan City at Bislig City sa lakas na intensity 3.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa Kanlurang ng bayan ng Talacongon Agusan del Sur at sinasabing tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Wala namang naiulat na pinsala kaugnay sa pagyanig ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Read more...