Dalawang kasama ni Alice Guo naaresto sa Indonesia – Abalos

By Jan Escosio August 22, 2024 - 12:45 PM

PHOTO: Benhur Abalos STORY: Dalawang kasama ni Alice Guo naaresto sa Indonesia – Abalos
Interior Secretary Benhur Abalos (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Inaresto sa Indonesia ang kapatid at business associate ni dismissed Mayor Alice Guo ng Bambang, Tarlac, ayon sa pahayag nitong Huwebes ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Hindi na tinukoy ni Abalos kung sino sa mga sinasabing kasama ni Guo ang naaresto, ngunit may impormasyon na ang dalawa ay sina Sheila Guo at Cassandra Ong.

Nabatid ng Radyo Inquirer na naaresto ang dalawa sa pakikipag-ugnayan ng Department of Justice at Bureau of Immigration sa mga awtoridad sa Indonesia, gayundin ang Philippine police attache sa naturang bansa.

BASAHIN: Alice Guo nakatakas na ng Pilipinas – Hontiveros 

Sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inaasikaso na nila ang pagbalik sa Pilipinas ng mga inaresto.

Ayon sa mga ulat, nakipagkita si Alice Guo sa kanyang pamilya sa Singapore nang tumakas ito ng Pilipinas noong ika-18 ng Hulyo patungo sa Malaysia.

Kahapong Miyerkules, kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros na may impormasyon siya na nasa Indonesia si Guo.

Ang impornasyon na ito ay ibinahagi na rin ng Bureau of Immigration at Presidential Anti-Organized Crimes Commission.

TAGS: Alice Guo, benhur abalos, Illegal POGO hubs, Alice Guo, benhur abalos, Illegal POGO hubs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.