Hontiveros ipinagtanggol ni Escudero sa pag-usisa sa OVP budget

By Jan Escosio August 21, 2024 - 03:52 PM

PHOTO: Risa Hontiveros STORY: Hontiveros ipinagtanggol ni Escudero sa pag-usisa sa OVP budget
Sen. Risa Hontiveros | File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Wasto at walang nakitang kalabisan si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pag-usisa ni Deputy Senate Minority Leader Risa Hontiveros sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).

Sinabi ni Escudero na napanood niya ang tensiyonadong bahagi ng pagtalakay sa 2025 budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte kahapong Martes.

Aniya walang mali sa pag-usisa ni Hontiveros sa P10 milyon gagastusin para sa pamamahagi ng librong pambata na isinulat ni Duterte.

BASAHIN: VP Duterte alam ang planong impeachment laban sa kanya

BASAHIN: Alice Guo nakatakas na ng Pilipinas – Hontiveros

PHOTO: Francis Escudero STORY: Hontiveros ipinagtanggol ni Escudero sa pag-usisa sa OVP budget
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

Pinuri din niya si Sen. Grace Poe, ang chairperson ng committee on finance, sa paghawak nito sa tensiyon sa pagitan nina Duterte at Hontiveros.

Sa kanyang palagay, dagdag pa ng senador, maganda din naman ang pagwawakas ng deliberasyon dahil sumagot din sa tanong si Duterte.

Ang OVP ay may panukalang P2.037 bilyong budget para sa susunod na taon.

TAGS: 2025 national budget, Francis Escudero, Office of the Vice President, Risa Hontiveros, 2025 national budget, Francis Escudero, Office of the Vice President, Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.