Derma clinic, spa sa QC na binisita ng mpox carrier natukoy

By Jan Escosio August 21, 2024 - 03:39 PM

PHOTO: Quezon City Hall STORY: Derma clinic, spa sa QC na binisita ng mpox carrier natukoy
Quezon City Hall —File photo mulá sa Facebook page ng Quezon City

METRO MANILA, Philippines —Sinimulan na ng pamahalaang ng Quezon City ang contact tracing sa nakumpirmang may taglay ng mpox.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pasyente ay hindi residente ng lungsod.

Isa aniya sa dalawang pasyente ay nadiskubreng nagtungo sa isang dermatology clinic at sa isang spa bago nalaman na taglay niya ang sakit.

BASAHIN: Bagong kaso ng mpox sa Pilipinas naitala ng DOH

Nabatid ng Radyo Inquirer na isinara ang spa matapos madiskubre na wala itong permit mula sa tanggapan ni Belmonte.

Kasama sa contact tracing ang mga nakaharap ng pasyente sa pagpunta niya sa dalawang establismento.

May pitong katao na ang kasalukuyang naka-quarantine.

TAGS: joy belmonte, mpox, joy belmonte, mpox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.