Perjury case vs Alice Guo isasampa ng Senado – Escudero
METRO MANILA, Philippines — Itutuloy ng Senado ang pagsasampa ng kasong perjury laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kabila ng mga ulat na nakatakas na ito ng bansa.
Ito ang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Miyerkules at aniya ang Senate legal department ang naghahanda ng kasong isasampa.
Idiniin nito na nais lamang matiyak ng Senado na malakas ang isasampang kaso laban kay Guo.
BASAHIN: Alice Guo nakatakas na ng Pilipinas – Hontiveros
“Natakasan na nga tayo, matatalo pa tayo sa kaso. Sobrang nakakahiya na,” sabi ni Escudero.
Kabilang sa pinag-aaralan pa ay kung sino ang lalabas na nagrereklamo dahil hindi naman maaaring sina Sens. Sherwin Gatchalian at Risa Hontiveros ang maghain nito.
Nagpahiwatig na rin si Escudero na maaring ang Office of the Senate Sergean-at-Arms ang magiging complainant sa kaso dahil ang mga ito ang nagsisilbi ng subpoena at arrest order.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.