12 katao patay dahil sa matinding trapik sa Indonesia

By Den Macaranas July 09, 2016 - 08:16 AM

Brebes jam
AP

Patay ang labingdalawa katao dahil sa tatlong araw na trapik sa Brebes City sa mainland Java Indonesia.

Sinabi ni Transport Ministry Spokesman Hemi Pramuraharjo  na umabot sa 20 Kilometers ang haba ng pila ng mga sasakyan sa pagtatapos ng Eid sa pangunahing lansangan sa Brebes City.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng carbon monoxide poisoning ang ikinamatay ng mga biktima dahil sa matagal na exposure sa aircondition unit ng mga sasakyan.

Isinisisi naman ng mga motorista sa kawalan ng disiplina ng mga tsuper ang matinding trapik na mas lalo pang pinalala ng sirang mga kalsada.

Ang Brebes City ay isa sa may pinakamataas na populasyon sa nasabing bansa.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Transport Ministry sa mga health officials para gabayan ang mga taong naiiipit sa halos ay araw araw na matinding trapik sa lugar.

TAGS: brebes City, carbon monoxide, indonesia, java, brebes City, carbon monoxide, indonesia, java

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.