Mga kaalyadong partido ni Marcos nagpulong sa Malacañan

By Jan Escosio August 20, 2024 - 11:35 AM

PHOTO: Martin Romualdez
House Speaker Martin Romualdez —File photo mula sa House of Representatives

METRO MANILA, Philippines — Pinag-usapan nitong Lunes ng gabi sa Malacañan ng mga pinuno ng mga partidong pulitikal na kaalyado ng Marcos administration ang istratehiya para sa 2025 elections.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, mga pinuno ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD),  Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP) ang dumalo sa pulong.

Sabi pa ni Romualdez, na chairman ng Lakas, ang mga partido ay kabilang sa binuong Alyansa Para sa Bagong PIlipinas  at kabilang din ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Ang aming pagkakaisa ang aming lakas, at ngayon ay pinagtibay namin ito para matiyak ang aming pangarap na mas maunlad na Pilipinas. Narito kami hindi lamang para suportahan ang mga programa at proyekto ni Pangulong Marcos kundi para makatulong ang kanyang pangarap na pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran,” ani Romualdez.

Sinabi din ni Romualdez na layunin din nila na maprotektahan ang interes ng bawat partido at maging pantay-pantay ang lahat.

Kabilang sa mga dumalo sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., PFP executive vice president, at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo para sa PFP. Kasama naman ni Romualdez mula sa Lakas sina  Senior Deputy Speaker Rep. Aurelio Gonzales Jr. at House Majority Leader  Manuel Jose Dalipe.

Ang delegasyon ng NP ay pinamunuan naman ni Sen. Mark Villar at si dating  Senate President Vicente Sotto III naman para sa NPC. Samantalang si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte ang mula sa NUP.

TAGS: 2025 elections, Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Marcos administration allies, 2025 elections, Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Marcos administration allies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.