5 patay sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila dahil sa iligal na droga

Kuha nina Jong Manlapaz at Topher Diocado
Kuha nina Jong Manlapaz at Topher Diocado

Natagpuan ang isang hinihinalang biktima ng salvage sa ilalim ng MacArthur bridge sa Sta. Cruz, Manila kagabi.

Ayon kay PInsp. Maricel Dalso, Deputy Commander ng PCP GANDARA, 9:25 kagabi nang mapansin ng isang tricycle driver sa Gilio street ang biktima na Nakabalot ng masking tape ang mukha at may nakapatong na karton na may nakasulat na “PUSHER AKO”.

Sa may bahagi naman ng Brgy 199, Manuguit, Tondo, patay ang mag-amang kinilalang sina Edwardo Remodaro at RC Remodaro sa ginawang drug buy bust operarion ng Manila Police District sa lugar.

Nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis, ngunit nang matunugan ng mag-ama na huhulihin sila, agad nilang pinaputukan ang mga ito.

Patay kagad ang nakakabatang Remodaro habang naisugod pa sa ospital ang tatay pero idineklara ding dead on arrival.

Narekober ang paltik na baril sa.crime scene at ilang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Samantala, isang tanod naman na kinilalang si kinilalang si christhoper granada ang napatay sa kanto ng Zobel at Liwayway streets, Brgy. 783 zone 85 sa Sta. Ana matapos pagbabarilin ng riding in tandem ilang hakbang lang ang layo sa barangay hall.

Hinala ng kapitan na alitan sa droga ang dahilan ng pagpatay, dahil sinabi umano ng biktima sa kapwa tanod nito na may inonse siyang P200 halaga ng shabu.

Sa bahagi naman ng Barrio Sta. Maria o Garden Village sa Brgy 181 sa Paco, Manila patay ang isang pusher na minsan nang kusang sumuko sa Oplan Tokhang, pero bumalik din sa bisyo.

Dahil dito kinasa ng station anti ilegal drugs ng MPD Station 10 ang drug buy bust laban kay Ricardo Acum alyas “Pamboy”, na napatay ng mga pulis matapos mang-laban sa kanila.

Nakuha sa tabi ng suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at isang paltik.

Nanawagan naman si MPD Station 10 commander PSupt. Eufronio Obong sa mga sumusuko na totohanin ang pagbabagong buhay.

Read more...