“No bag” at “No parking” na polisiya, ipapatupad sa Kadayawan

By Kabie Aenlle July 09, 2016 - 04:35 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga dadalo sa Kadayawan sa Dabaw festival sa susunod na buwan, inanunsyo ni Davao City acting Mayor Paolo Duterte na bawal magdala ng bag ang mga pupunta sa sa pagdiriwang.

Umapela si Duterte sa publiko na sana ay makisama ang mga ito sa kanilang mga ipatutupad na panuntunan sa gaganaping selebrasyon.

Dati naman nang ipinatutupad ang “no bag” policy sa mga malalaking kaganapan sa lungsod mula pa noong 2013, ngunit mas paiigtingin na ito ngayon lalo na’t may mga lumabas na banta ng mga jihadist sa Davao.

Bukod dito magkakaroon rin aniya ng “no parking” policy sa mga lugar na gaganapan ng mga events na may kaugnayan sa Kadayawan.

Nanawagan naman si Duterte sa mga maaapektuhan na sana ay maintindihan ang kanilang mga polisiya dahil pawang mga kapakanan lang naman ng mga Dabawenyo ang kanilang iniisip at para maisagawa rin ang pagdiriwang nang maayos.

Sa ngayon ay si Paolo ang tumatayong alkalde ng lungsod mula pa noong July 1 matapos mag-leave ang kapatid niyang si Mayor Sara Duterte-Carpio, na babalik naman sa July 22.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.