35 patay sa pag-atake ng IS sa Shi’ite mausoleum sa Balad, Iraq

By Kabie Aenlle July 09, 2016 - 04:33 AM

REUTERS/Stringer
REUTERS/Stringer

Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi habang mahigit 60 naman ang nasugatan sa triple suicide attack sa isang Shi’ite mausoleum sa Balad, Iraq.

Agad namang inako ng Islami State group ang nasabing mga pag-atake sa Mausoleum of Sayid Muhammed bin Ali al-Hadi.

Ilang mga armadong kalalakihan tin ayon sa mga ulat ang sumalakay sa lugar at namaril sa mga dumayo sa nasabing banal na lugar para sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr, Huwebes ng gabi sa Baghdad.

Isa sa mga suicide bombers ang nag-detonate ng explosive belt malapit sa mga pulis na nagbabantay sa gate ng mausoleum.

Kasunod nito isa pang bomber ang pumasok sa shrine habang nagpapaulan ng bala ang ilang mga armadong lalaki sa lugar ng mga security personnel at pinasabog ang sarili sa gitna ng maraming tao.

Hindi naman nagtagumpay ang pangatlo sanang suicide bomber matapos siyang mabaril ng mga guwardya bago pa man niya mapasabog ang kaniyang sarili.

Lumabas rin sa ilang mga ulat na nasunog ang nasabing lugar matapos ang mga pag-atake.

Marami ang naalarma at natakot sa naganap na pag-atake dahil tila lalo nang lumalala ang girian sa pagitan ng mga Shi’ite at Sunni Muslims.

Dahil sa insidente, inatasan agad ni Shi’ite cleric Moqtada al-Sadr ang kaniyang Peace Brigade na palibutan at bantayan ang mausoleum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.