METRO MANILA, Philippines — Bumaba ngunit nanatili ang “very good” satisfaction rating ng Senado, gayundin ang “good” rating ng Kamara at Korte Suprema.
Ayon sa 2024 second quarter survey ng Social Weather Station (SWS), 66% ng mga Filipino ang kuntento sa pagta-trabaho ng mga senador, samantalang 16% ang nagsabing hindi sila kuntento.
Ang Kamara naman ay may 60% satisfaction rating at 18% ang kontra, samantalang 59% ang satisfaction rating ng Korte Suprema at 18% ang iba ang paniniwala.
Isinagawa nag survey mula noong ika-23 ng Hunyo hanggang ika-1 ng Hulyo.
BASAHIN: 44% ng Filipino tiwalà sa pagbuti ng buhay hanggáng 2025 – SWS
Noong nakaraang Marso, may +55 points ang Senado at bumagsak na ito sa +50 points sa huling survey bagamat pasok pa rin sa “very good” rating.
Samantalang kapwa “good” rating naman ang +45 points ng Kamara at +46 points ng Korte Suprema.
May 58% naman sa 1,500 respondents sa huling survey ang kuntento sa pagta-trabaho ng gabinete ni Pangulong Marcos Jr., para sa “good” rating.