August 4 idedeklarang ‘Carlos Yulo Day’ sa Maynila
METRO MANILA — Bilang pagkilala sa kanyang tagumpay sa 2024 Paris Olympics, idedeklara ng pamahalaang-lungsod ng Maynila na “Carlos Yulo Day” tuwing ika-4 ng Agosto.
Noong nakaraang ika-4 ng Agosto nakuha ni Yulo ang kanyang unang gintong medalya sa floor exercise ng gymnastics.
Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na inaasikaso na ng Sangguniang Panglungsod ang resolusyon para sa itatalagang Carlos Yulo Day.
BASAHIN: Carlos Yulo, nakasungkit pa ng dalawang gold medal sa Asian Championships
Umaasa ang alkalde na sa darating na Lunes, ika-19 ng Agosto 19 tapos na ang resolusyon at ipriprisinta nila kay Yulo kasabay ng pagbisita nito sa city hall.
Batang Maynila si Yulo dahil lumaki ito sa Leveriza sa distrito ng Malate at ang kanilang bahay ay ilang metro lamang ang layo sa opisina ng Philippine Sports Commission.
Tatanggap ng P2 milyong premyo si Yulo mula sa pamahalaang panglungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.