Pilipinas handang bahagian ang China sa South China Sea

By Kabie Aenlle July 09, 2016 - 04:25 AM

south china sea woody islandSakaling manalo sa isinampang kaso sa The Hague, wala namang balak ang Pilipinas na ipagdamot sa China ang mga pinagkukunang yaman sa South China Sea.

Ito ang sinabi ni Foreign Secretary Perfecto Yasay ilang araw bago ang nakatakdang paglalabas ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration kaugnay sa kasong sinampa ng Pilipinas laban sa China dahil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Yasay, umaasa ang administrasyong Duterte na agad na masimulan ang pakikipag-usap sa China pagkatapos ilabas ang desisyon sa Martes.

Kabilang aniya sa magiging negosasyon ay ang magkatuwang na eksplorasyon ng China at ng Pilipinas sa natural gas reserves at ang pangingisda sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa ganitong paraan aniya maring parehong makinabang ang Pilipinas at ang China sa mga resources sa South China Sea.

Sa kaniyang pagkaka-intindi rin kasi, matagal na panahon nang ginagamit ng Pilipinas, China at Vietnam ang Scarborough Shoal bilang pangisdaan.

Bukod dito, sinabi rin ni Yasay na nagkasundo na ang China at ang Pilipinas na wala nang bibitiwang mga mapangahas na pahayag laban sa isa’t isa oras na lumabas na ang desisyon.

Gayunman, iginiit ni Yasay na hindi naman nila basta-bastang bibitiwan ang mga karapatan ng Pilipinas sa rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.