“Mr. President, mag-ingat ka pa rin” – Robredo kay Duterte

By Kabie Aenlle July 09, 2016 - 04:22 AM

From Malacañang Photo Bureau)
From Malacañang Photo Bureau)

Palaging isinasagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nag-aalala sa kaniyang kaligtasan na wala silang dapat ikabahala dahil nariyan naman si Vice President Leni Robredo para pumalit sa kaniya kung may mangayri man na hindi maganda.

Ngunit hindi sang-ayon si Robredo dito.

Bagaman tungkulin talaga ng pangalawang pangulo na pansamantalang humalili sa pangulo kung kakailanganin, ayaw isipin ni Robredo na ang magiging dahilan nito ay ang mga banta sa kaligtasan ni Duterte.

Ayon kay Robredo, ito ay isa sa mga sinabi ng pangulo sa kaniya ng tawagan siya nito para i-alok sa kaniya ang pagiging housing czar.

Kuwento ni Robredo, sinagot niya si Pangulogn Duterte na huwag naman sanang ganoon ang mangyari dahil kailangan pa siya ng bansa.

Aniya totoo man na may succession alinsunod sa Konstitusyon, ang binoto pa rin ng mga tao ay si Duterte at hindi siya.

Dahil dito, alam niya na mas nanaisin pa rin ng mga Pilipino na kung sino ang kanilang pinili ay siyang mamumuno sa kanila hanggang sa dulo ng termino.

Kaya naman bilin ni Robredo kay Duterte, mas makabubuti pa rin na pag-ibayuhin pa ng pangulo ang pag-iingat.

Inulit rin ni Robredo na wala naman siyang ambisyon na maging pangulo ng bansa.

Matatandaang may tig-P50 million na patong sa ulo sina Duterte at PNP Chief Ronald dela Rosa mula sa mga drug lords.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.