METRO MANILA, Philippines — Hinimok ni Sen. JV Ejercito nitong Linggo ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na pag-aralan kung maaring ibaba sa 3% ang kontribusyon ng mga miyembro nito.
Ginawa ito ni Ejercito bunsod na rin ng deklarasyon ng PhilHealth ukol sa bilyong-bilyong pisong nitong sobra-sobrang pondo.
Ang pagtapyas sa kontribusyon ay inirekomenda ni ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa deliberasyon sa panukalang amyendahan ang Universal Health Care Law.
BASAHIN: PhilHealth may P500B para sa benepisyo ng mga miyembro – Recto
Ayon kay Ejercito, hinihintay niya ang tunay at kumpletong komputasyon ng PhilHealth para malaman kung maaari talang ibaba ang kontribusyon ng mga miyembro.
At aniya makakatulong kung ipag-uutos na ito ni Pangulong Marcos Jr., habang tinatalakay pa ang kanyang panukala.