Bagong TESDA chief, inanunsyo na ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle July 09, 2016 - 12:09 AM

tesdaPinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong magiging pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Itinalaga ng pangulo ang dating undersecretary ng Department of Transportation and Communications noong Arroyo administration na si Atty. Guiling Mamondiong, na isa ring Moro.

Noong panahon ng kampanya, kabilang siya sa Mayor Rodrigo Duterte National Executive Committee na isa sa mga grupong nagbigay ng matinding suporta sa kandidatura ni Duterte.

Pagkatapos namang i-anunsyo ni Duterte ang posisyon ni Mamondiong, nabanggit pa niya na may dahilan kung bakit kaunti lamang ang mga Moro sa kaniyang Gabinete.

Ito aniya ay dahil may niluluto siyang mas malaking bagay kung saan magiging mas malaki rin ang partisipasyon ng mga Moro sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Sakali aniyang magtagumpay siya sa kaniyang plano, magkakaroon ng “reconfiguration of territory,” at karamihan aniya sa mga Moro leaders ay mauupo sa mga regional at state positions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.