Dapat may P2-B na pondo para sa PSC amateur sports – Herrera
METRO MANILA, Philippines — Dapat humingi ang Philippine Sports Commission (PSC) ng di bababa sa P2 bilyon na pondo para sa amateur sports development nito sa taong 2025, pahayag nitong Biyernes ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera.
“Ngayon pa lang, dapat samantalahin na ng Philippine Sports Commission ang pagkakataon, habang nagdiriwang pa ang sambayanan sa mga medalyang nakamit na sa Paris Olympics, upang pataasin pa ang basic and meal allowance rates ng mga atletang nasa pangangalaga ng PSC,” sabi ni Herrera, na kinatawan ng Bagon Henerasyon Party-list.
Ngayon ay nasa ika-26 na puwesto ang Pilipinas sa nakuhang dalawang gintong medalya at dalawang tansong medalya.
BASAHIN: Go suportado ang grassroots sports development
Iginiit ni Herrera na ang allowances ng mga nagsasanay na atletang Filipino ay dapat nasa pagitan ng P25,000 at P30,000.
Nabatid ng Radyo Inquirer na ang amateur sports development program ng PSC sa kasalukuyan ay may pondong P413 na milyon lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.