‘Hindi kriminal ang mga Abu Sayyaf’ – Duterte

By Kabie Aenlle July 09, 2016 - 12:02 AM

duterteHindi ikinu-konsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bandidong Abu Sayyaf bilang mga kriminal.

Sa kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng Hariraya Eid al-Fitr sa Davao City, nilinaw niya na sa tuwing binabanggit niya ang isyu sa kriminalidad, hindi niya isinasama dito ang mga Abu Sayyaf at kailanman hindi niya binanggit na kriminal ang mga ito.

Ayon kay Duterte, ginagawa lamang ng Abu Sayyaf ang mga pambo-bomba, pangingikil at pag-atake dahil labis na ang kanilang pagiging desperado dahil sa mga pangako sa kanila na napako na.

Una nang nagpahayag si Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na bukas ang administrasyong Duterte sa pakikipag-negosasyon sa mga Abu Sayyaf.

Kamakailan lamang ay pinugutan ng Abu Sayyaf ang mga bihag nilang Canadian na si John Ridsdel at Robert Hall sa Sulu nang mabigo silang makuha ang hinihingi nilang multi-milyong dolyar na halaga ng ransom.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.