LRT 1 tigil-biyahe ng tatlong Sabado, Linggo ngayong Agosto

By Jan Escosio August 09, 2024 - 01:21 PM

PHOTO: New trains for LRT 1
Mga bagong tren para sa LRT 1 | INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Tatlong magkakasunod na mga araw ng Sabado at Linggo ngayon buwan ng Agosto titigil ang operasyon ng LRT 1.

Sa abiso nitong Biyernes ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), wala biyahe sa LRT 1 sa ika-17, 18, 24, 25, at 31 ng Agosto at at ika-1 ng Setyembre.

Ang tigil-biyahe ay upang bigyan daan ang mga paghahanda para pagbubukas ng LRT 1 Line Extension (Cavite).

Ipinaliwanag ng LRMC na kailangan ang suspensyon para sa integration ng signaling system, gayundin ang pagsasagawa ng systems operation demonstration tests at operational excercises para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahe.

BASAHIN: Dapat isaulí bayad sa mga tren na galing Dalian – Senator Tulfo

Samantala, nakipag-ugnayan na ang LRMC sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa 200,000 pasahero na maapektuhan ng tigil-operasyon.

Hiniling ng private mass transport operator ang pag-deploy ng karagdagang mga bus sa kanilang ruta para sa maaapektuhang pasahero.

Nag-abiso na rin ang kompaniya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagtatalaga ng mga karagdagang traffic enforcers sa ibaba ng mga istasyon ng LRT-1 para sa maayos na daloy ng trapiko.

TAGS: Light Rail Transit Line 1, Light Rail Transit Line 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.