Dela Rosa hindi dadalo sa House hearing ukol sa Pogo, EJKs

August 08, 2024 - 12:36 PM

PHOTO: Ronald dela Rosa STORY: Dela Rosa hindi dadalo sa House hearing ukol sa Pogo, EJKs
Sen. Ronald dela Rosa —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nagpasabi na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Huwebes na hindi siya dadalo sa pagdinig ng binuong “supercommittee” ng Kamara na magsasagawa ng pagdinig ukol sa mga Philippine offshore gaming operator (Pogo) at extrajudicial killings (EJKs) noong drug war ng Duterte administration.

Aniya, una na niyang sinasabi na hindi siya dadalo dahil sa kailangang panindigan ang “inter-parliamentary courtesy” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Iniimbestigahan ng supercommittee ang isyu ukol sa nga Pogo at EJKs.

BASAHIN: Dela Rosa di haharáp sa drug war probe ayon sa payo ni Escudero

Hinala ni dela Rosa na may kulay pulitik ang pag-iimbestiga sa mga naturang isyu at magkakatulad lamang ang mga tanong.

Binanggit pa nito na may mga pagkilos na rin para mahikayat ang siya, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), na magbigay ng pahayag laban sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: extrajudicial killings, House supercommittee, Philippine offshore gaming operators, Ronald dela Rosa, extrajudicial killings, House supercommittee, Philippine offshore gaming operators, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.