Karagdagang 3 milyon na estudyante papasok nitong Agosto – DepEd
METRO MANILA, Philippines — Inaasahang may karagagdang tatlong milyong estudyante ang papasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ayon sa pahayag nitong Miyerkules ng Department of Education (DepEd).
Iniulat ni Education Asec. Francis Bringas na may higit na 24 milyong estudyante na ang nakapag-enroll sa public elementary at high schools sa bansa.
Kasama na rin dito aniya ang nag-enroll sa Alternative Learning System (ALS).
BASAHIN: ‘No collection pollcy’ ipinaalala ng DepEd chief sa mga paaralan
BASAHIN: DepEd magdadagdag ng admin staff para bawas trabaho sa mga guro
Sinabi ni Bringas na bago ang pagsisimula muli ng mga klase noong huling linggo ng nakaraang Hulyo, ang target DepEda sa school year 2024-2025 ay 27.6 milyong estudyante.
Ipinaliwanag niya na may mga nage-enroll pa hanggang dalawang linggo matapos magsimula ang mga klase at may mga lilipat pa ng paaralan.
Naghahabol din ang DepEd sa pagtatala ng mga estudyante na nahuli sa enrollment dahil sa nagdaang kalamidad na dulot ng Typhoon Carina.
Naibahagi din niya na nangangailangan ng 150,000 karagdagang silid-paaralan para maabot ang target na isang guro para sa bawat 40 estudyante at mangangailangan sila ng hanggang P700 bilyon para maabot ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.