Employment rate tumaas noong Hunyo – PSA

By Jan Escosio August 07, 2024 - 01:30 PM

PHOTO: Job applicants STORY: Employment rate tumaas noong Hunyo – PSA
Applicants fill up forms at the Public Employment Service Office in Manila on Feb. 24, 2023. |File photo by Richard A. Reyes, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 96.9% employment rate noong nakaraang Hunyo.

Ito ay mataas kumpara sa 95.5% noong Hunyo 2023 at sa 95.9% noong nakaraang Mayo.

Nangangahulugan na noong Hunyo may 50.28 milyong Filipino sa bansa ang may trabaho at mataas ito sa naitalang 48.84 milyon noong Hunyo 2023 at sa 48.87 milyon noong nakaraang Mayo.

BASAHIN: February unemployment rate bumaba sa 3.5% – PSA

BASAHIN: Lower unemployment rate senyales ng pagbuti ng Ph job market -DOF chief

Ibig sabihin nito ay bumaba din sa 3.1% ang unemployment rate noong nakaraang Hunyo — mula sa 4.1% noong nakaraang Mayo at mas mababa sa naitalang 4.5% noong Hunyo 2023.

Lumabas na na noong nakaraang Hunyo may 1.62 milyong Filipino ang walang trabaho, mas mababa sa 2.33 milyon noong Hunyo 2023, gayundin sa 2.11 milyon noong nakaraang Mayo.

TAGS: Philippine Statistics Authority, unemployment, Philippine Statistics Authority, unemployment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.