Babala ng simbahan: Pekeng pari naglilibot sa Rizal

By Jan Escosio August 06, 2024 - 05:45 AM

PHOTO: Warning about a fake priest roaming in Rizal
Ito ay parte ng babala ng Archidioces of Antipolo sa Facebook page nito ukol sa isang pekeng pari na lumilibot sa Rizal.

METRO MANILA, Philippines — Binalaan ng Antipolensis — the Diocese of Antipolo — ang publiko ukol sa isang lalaki na nagpapanggap na pari at nagbibigay ng ibat-ibang sakramemto, kasama na ang pagdiriwang ng Banal na Misa.

Base sa post ng Antipolensis sa official Facebook account nito, ang isang nagpapakilalang “Rev. Fr. Raffy ‘Ali’ Lopez” ay hindi kabilang sa mga pari ng diyosesis at hindi lehitimong pari sa Roman Catholic Church.

Nabatid ng Radyo Inquirer na ang ginagamit na profile picture ni Lopez sa kanyang Facebook account ay kay Rev. Fr. France Baasis, na pari sa diyosesis.

Ipiinunto din na ang ginagamit ni Lopez na “The Vicariate of Antipolo – Our Lady of Fatima Mission Station” ay walang kaugnayan sa Roman Catholic Diocese of Antipolo at sinasabing organisasyon ay peke.

BASAHIN: Pari sa Samar inalis ni Pope Francis dahil sa umano’y sex abuse sa mga bata

Hindi din kinikilala ang Bishop Roderick Yneco ang itinuturo naman ni Lopez na kanyang superyor.

Nabatid na si Lopez ay nagmimisa sa mga mall, paaralan, at maging sa mga punerarya.

Paalala lang din ng diyosesis na ang mga naiselebrang Misa, Misa ng Patay, Kasal, Binyag at iba pang sakramento ni Lopez hindi kinikilala ng Simbahan at ito ay walang bisa.

Pinaalahanan din ang publiko na iwasan ang pakikipag-usap sa mga “middlemen” o “agents” ng mga nagpapakilalang pari.

TAGS: Diocese of Antipolo, fake priest, Diocese of Antipolo, fake priest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.