100 pulis sa Region 3 na natukoy na sangkot sa droga pinakakasuhan na

By Ruel Perez July 08, 2016 - 07:47 PM

Ronald Dela Rosa2Inatasan na ngayon ni PNP Chief Ronald Bato dela Rosa si PRO 3 Director Chief Supt. Aaron Aquino na hanapan ng ebidensiya ang may 100 pulis sa rehiyon na natukoy na sangkot sa iligal na droga, protector man, pusher o user.

Ani Dela Rosa, sawa na siya na magpatapon pa ng mga tiwaling pulis sa Mindanao dahil marami pa rin sa mga ito ang walang kadala-dala at patuloy na lumalabag sa batas.

Pabiro pang sinabi ni Dela Rosa kay Aquino na kapag hindi nahanapan ng ebidensiya o kaya ay hindi pa rin nagbago ang mga pulis na nahuli, alam na nito ang dapat gawin.

Samantala ipinag utos na rin ni Bato sa mga provincial director ng Central Luzon ang paglalagay ng mga rehabilitation facilities sa kanilang mga nasasakupan para may mapagdalhan ang mga sumusuko na mga user ng droga para marehabilitate at matulungan makabalik sa lipunan bilang mga produktibong mamamayan.

TAGS: Chief PNP Bato Dela Rosa, iligal na droga, pulis sa Region 3, Chief PNP Bato Dela Rosa, iligal na droga, pulis sa Region 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.