Rehab Center para sa mga sumukong adik inaasikaso na ng PNP Region 3
Dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga na sumuko kinakailangan na umano magkaroon ng mga rehab center sa Region 3 para ma accommodate ang mga ito.
Ayon kay PRO 3 Director Police Chief Supt. Aaron Aquino, sa buong rehiyon ay mayroon nang 3 libong mga drug personalities ang sumuko.
Sa kabila nito aminado si Aquino na wala silang sapat na pasilidad para tanggapin ang mga ito kung kaya pinasisimulan na nila ngayon ang pagtatayo ng mga reformation center.
Kasabay nito, umapela si Aquino sa mga LGU’s na suportahan ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga at maglagay din ng dagdag pang mga pasilidad para sa mga gustong magbagong buhay.
Samantala, 100 mga indibidwal ang magsisimula nang sumailalim sa rehabilitation program sa bagong bukas na Pagasa Reformation Center na itinayo sa Limay, Bataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.