Dating presidential adviser Michael Yang ipinaaresto ng Kamara
METRO MANILA, Philippines — Nagpalabas ng arrest order ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para kay dating presidential adviser Michael Yang dahil sa hindi pa rin niya pagdalo sa pagdinig ukol sa P3.6 billion drug bust sa Mexico, Pampanga noong 2023.
Pinirmahan ni House Secretary General Reginald Velasco ang contempt ruling na inisyu ng House Committee on Dangerous Drugs kay Yang dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig sa kabila ng subpoena.
Tinangka nguit nabigo ang House sergeant-at-arms na maisilbi ang arrest order sa Fortun Law Office sa BF Homes Almanza, Las Piñas City.
BASAHIN: Michael Yang inabswelto ng PDEA sa ilegal na droga
Iniuugnay si Yang sa Empire 999 Realty Corp., ang may-ari ng sinalakay na bodega sa Mexico kung saan nadiskubre ang P3.6 bilyong halaga ng shabu.
Makukulong si Yang ng 30 araw sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sakaling maaresto ito base sa kautusan ni Surigao 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.
Ibinahagi naman ni Barbers na may impormasyon sila na wala sa Pilipinas si Yang at ito ay kasalukuyang nasa United Arab Emirates.
Nagsilbing economic adviser ni dating Pangulong Duterte si Yang at ito ay nasangkot din sa Pharmally Pharmaceutical Corp. scandal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.