Padilla pinuri si Gerald Anderson sa pag-rescue sa flood victims
METRO MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Robinhood Padilla na bigyan ng promosyon sa ranggo ang aktor na si Gerald Anderson dahil sa pagsagip sa mga biktima ng pagbaha sa kasagsan ng Typhoon Carina na sinabayan ng habagat.
Sa kanyang Senate Resolution No. 1089, sinabi ni Padilla na kapuri-puri ang ginawa ni Anderson at pinatunayan nito na tunay na maasahan ang military reservist.
May ranggong lieutenant commander si Anderson sa Philippine Coast Guard Auxilliary.
Dagdag pa ni Padilla, ipinakita ni Anderson na handa siyang magsakripisyo para sa kaligtasan ng mga kapawa Filipino at nagsisilbi siya ngayon na inspirasyon sa sambayanan.
Una nang pinarangalan si Anderson sa katulad na kabayanihan noong 2009 nang manalasa ang Typhoon Ondoy sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.
Ang viral videos ng pagsagip ni Anderson sa ilang katao ay kuha sa Barangay Santo Domingo, Quezon City.
“It must be recalled that the actor’s heroic deeds and compassion in times of disasters during the onslaught of Typhoon Ondoy (international name: Ketsana) in 2009, which also caused extensive flooding in Metro Manila and nearby provinces, were similarly recognized,” idinagdag pa niya.
Ani Padilla, na reserve lieutenant colonel sa Philippine Army, may mga online videos kung saan nakita si Anderson sa frontlines na tumutulong sa mga residente sa Barnagay Santo Domingo sa Quezon City.
Nakita rin si Anderson na tumutulong para dalhin sa ligtas na lugar ang mga lumikas sa kanilang tahanan.
“Mr. Anderson also showcased the core values of PCG as first responders in the face of calamities, which only merits recognition and corresponding promotion in service,” ani Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.