PNP-AIDG nais pa-amyendahan ang anti-wiretapping law
Malaking bagay umano para sa PNP-AIDG kung maikukunsiderang ma-amyendahan ang anti-wire tapping law sa gitna ng all-out-war ng Duterte Administration kontra iligal na droga.
Aminado si PNP-AIDF Acting Director Sr Supt Albert Ferro, nalilimitahan ng anti-wire tapping act ang kanilang investigative capability kontra sa isang subject na kanilang tinutugis.
Sa ngayon ayon kay Ferro, maaari lamang i-wire tap ang isang kriminal o sindikato kung may basbas ng husgado o court order.
Ganunpaman, aminado naman si Ferro na may iba pang paraan para makapag-estable sila ng mga dagdag na ebidensiya laban sa isang drug suspek para itoy makasuhan o ma-neutralize.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.