METRO MANILA, Philippines —Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Manila Regional Trial Court na matanggal sa puwesto sa Bamban, Tarlac si Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.
Sa 46-pahinang pahinang quo warranto petition, ikinatuwiran ng OSG hindi maaring humawak ng isang lokal na posisyon si Guo.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na labag sa batas ang panunungkulan ni Guo bilang alkalde dahil siya ay Chinese national.
Aniya, ang pagpapanggap ni Guo na siya ay Filipino ay matibay na basehan para siya ay tanggalin sa posisyon.
May kinahaharap ng mga reklamong human trafficking si Guo sa Department of Justice (DOJ) na inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police dahil sa sinasabing kaugnayan sa ilegal na Philippine offshore gaming operators hub na sinalakay sa bayan ng Bamban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.