Sinuspendi na ng Korte Suprema ang pasok sa mga korte sa National Capital Region (NCR).
Simula ala una ngayong hapon kabilang sa mga walang pasok ang
Supeme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at mga Regional Trial Court.
Ito ay base sa abisong ipinalabas ng Supreme Court na nilagdaan ni Senior Associte at Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Inaabisuhan naman ang nasabing mga hukuman na magtalaga ng skeletal force para tumanggap ng mga urgent pleading.
Ipinauubaya naman ng Korte Suprema sa mga executive judge ng mga hukuman sa labas ng Metro Manila ang pagpapasya kung kinakailangang suspindihin ang pasok sa kanilang hurisdiksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.