Signal No. 2 itinaas sa Batanes sa paglapit ni Carina

PHOTO: Satellite map showing position of Typhoon Carina (Gaemi) STORY: Signal No. 2 itinaas sa Batanes sa paglapit ni Carina

METRO MANILA, Philippines — Lumayo sa Cagayan ngunit lumapit sa Batanes ang Typhoon Carina (Gaemi) kasabay nang paglakas at pagbilis sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa 11 a.m. bulletin nitong Martes ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Kaninang 10 am.. ang sentro ng bagyo ay nasa layong 320 km silangan ng Basco, Batanes o 405 km sa silangan-hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Lumakas sa 14o kph ang dalang hangin ng bagyo at ang bugso ay umaabot sa 170 kph.

BASAHIN: LIVE UPDATES: Typhoon Carina

Bumilis ang takbo ng bagyo sa 15 kph at tinatahak ang direksyon patungong hilaga.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga lugar na ito:

Nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod:

Read more...