Pasok sa gobyerno at klase sa public schools sa Metro Manila sa hapon, sinuspinde ng Palasyo

By Chona Yu, Len Montaño July 08, 2016 - 02:21 PM

Untitled
Kuha ni Chona Yu

Sinuspinde ng malakanyang ang pasok sa mga ahensya ng gobyerno at mga klase sa public school sa Metro Manila ngayong hapon.

Nakasaad sa Memorandum Circular no. 2 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea na dahil sa rekomendasyon ng National Risk Reduction and Management Council at patuloy na masamang panahon dahil sa Bagyong Butchoy ay suspended ang trabaho sa mga government agencies at public school classes all levels sa National Capital Region epektibo ala una ng hapon.

“upon the recommendation of the National Risk Reduction and Manangement Council (NDRRMC), and in view of the continuing inclement weather brought by typhoon “Butchoy,” work in government offices and classes in public schools at all levels in the national capital region, are hereby suspended effective 1:00 pm today 08 july 2016,” nakasaad sa memorandum ng malakanyang.

Pero sinabi ni Medialdea na may pasok pa rin sa mga ahensya ng pamahalaan na ang trabaho ay magbigay ng basic and health services, nasa disaster preparedness and response at ibang serbisyo.

Dagdag ng opisyal ng Palasyo, ipinaubaya na nila sa mga pribadong kumpanya at eskwelahan kung magsuspinde rin sila ng panghapong trabaho at klase.

Una rito kaninang umaga ay ilang eskwelahan, lokal na pamahalaan at unibersidad sa Metro Manila at kalapit na lalawigan ang nagkansela na ng mga klase.

TAGS: Palasyo, pasok sa lokal na pamahalaan suspendido, pasok sa unibersidad suspendido, Pasok suspendido, Palasyo, pasok sa lokal na pamahalaan suspendido, pasok sa unibersidad suspendido, Pasok suspendido

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.