Luzon, kasama ang Metro Manila, posibleng ulanín dahil sa LPA

By Jan Escosio July 19, 2024 - 12:18 PM

PHOTO: Pagasa Weather Update card
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Binabantayán ngayón ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa 3 a.m. Pagasa bulletin, ang isang LPA ay namataan sa distansiyang 135 km sa kanluran-timog-kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Magdudulot itó ng malakás na pag-ulán sa Northern Palawan at Occidental Mindoro.

Samantala, ang buntót ng LPA naman ang maaaring magpa-ulán sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon,  Bicol, Western Visayas, at sa natitirang bahagi ng Mimaropa.

Nagbabalâ din ng PAGASA ng posible na mga biglaang bahâ at pagguhò ng lupà kapág malakaás ang pag-ulán.

Ang isá pang LPA ay huláng namataán sa layong 880 km sa silangan ng Eastern Visayas, at hindí pa itó nakakaapekto saán mang bahagì ng bansâ.

TAGS: Pagasa, Philippine weather, Pagasa, Philippine weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.